Thursday, May 08, 2008

"SANA'Y MAHINTAY MO"
by RJ JIMENEZ



(F)
Kung alam mo lang na ikaw laging laman ng isipan
Di ka dapat mag-alala pagka't sa buhay ko ikaw lamang
Ang nagbibigay kulay sa paligid kong matamlay
Sana'y dinggin mo ang binubulong ng damdamin


Mahal kita, pero teka muna
Ang puso ko ngayo'y nagtataka
Nais n'ya lang malaman kung handa na ba siya
Pero 'di ibig sabihin wala kang halaga
Oh, giliw ko, sana'y mahintay mo.


(M)
Wala namang problema kung hindi ka pa handa
Hindi ako nagmamadali hahayaan lang kita
Pangako sa iyo, hindi magbabago
Lagi akong nandito sa tuwing kailangan mo


Refrain:
(F) Mahal Kita (M: Mahal kita) pero teka muna
(F) Ang puso ko ngayo'y nagtataka (M:wag ka nang mangamba)
(F) Nais n'ya lang malaman kung handa na ba siya
Pero di ibig sabihin wala kang halaga
(F) Oh giliw ko (M:Maghihintay ako) Sana'y mahintay mo


Hinihiling ko lang tayo'y magdahandahan
Huwag nating biglain ang nararamdaman


Repeat refrain

No comments: